Sa Obesis, Pandacan, tuwing Nobyembre 3, idinaraos ang anibersaryo ng pagtayo ng Chapel at pagdating ng Sto. Niño sa chapel.
Itinayo raw ang chapel nuong 1979-1980 at kasabay nitong iniambag ang Poong Sto. Niño ng mga Cursillo.
Sa prosisyon na ito, isinasayaw ang mga Poon habang inilalakad. Nagsimula ang prosisyon sa chapel, lumabas ng Obesis at papuntang Pres. Quirino Ave.; pumasok sa Lopez Compound at lumabas ulit ng Hi-way at sa Gonzales Street pumasok at lumabas sa Sampaguita Street; pagdating ulit sa Hi-way ay bumalik na ito sa Obesis para ilapag sa chapel ang Poon.
Eto po ang mga kuha kagabi…
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.


Ang prusisyon ay venue ng kung anu-ano depende sa edad at motibo ng nakiki-prusisyon.
Una, ang pagsama sa prusisyon ay panata ng mga deboto na sadyang nanalig sa kapangyarihan ng Poon.
Pangalawa, sadyang maraming Pinoy ang lugmok sa iba’t ibang suliranin at ang pakikipag-prusisyon ay paraan nila upang manikluhod sa Maykapal at humiling ng milagro
Ikatlo, ito ay simbolo ng pagdiriwang at pagsamba sa Maylikha
But nowadays, madaming lihim ang pakikipag-prusisyon. wait lang, i-post ko ang ilang sa susunod kong komento… Break muna ako.
Mula ng magkaroon ako ng kalayaan na sumama sa mga prusisyon (mahigpit kasi noong araw ang aking mag magulang), naobserbahan ko na ang madaming eksena sa prusisyon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Sa ilang mga kabataan (specifically mga teen-agers)- venue ito para
makaporma
makipag-eyebol
makipag-date
makipag-chikahan
mang-hunting ng papable at mamable personalities
at minsan malala pa, venue ito para i-harass ang kanilang mga kaaway.
Kayo talagang mga kabataan…
Sumali na lang kayo sa choir or sa grupo ng mga nagrorosaryo para ma-consume nyo ng maayos ang inyong energy at matuwa pa ang mga matatanda sa inyo.
Uuuy, wag nyo masyadong seryosohin ha… hindi for every youth ang kumentong ito, marami pa rin ang mga responsable at sadyang maka-Diyos. Mga achievers yata ang karamihan sa mga Pandaqueño.
@volleymav, parang ganyan ang scenario sa Simbang-Gabi ah. :P
uu nga, parang gawain ng kakilala ko nuon :mrgreen:
well ganyan talaga, super galing ng mga kabataan ngayon. Multitaskers sila. They can show their faith while doing their “thing”.
totoo naman ang mga prusisyon ay “display” of faith na hiniling ng Dyos sa mga tao mula pa nung lumang tipan. sana naman di lang sa prusisyon, maging sa pag dalo sa mga misa, ang mga katoliko lalo na ay magsuot at mag-ayos ng naaayon. sana lang din maitindihan natin na lahat ito para Diyos, (bagamat kahit anong sakripisyo at pag-aalay ay di sasapat para pantayan ang grasya ng Dyos) at di para magandang tignan ng ibang tao.
hataw talaga mga taga obesis!…ang saya saya tingnan ng mga tao.yan ang wala dito sa new zealand!nakaka miss tuloy!…huhu…. :( atsaka mabuti maayos pa yung nasareno namin sa kapilya.sya nga pala,maraming salamat sa mga nakiramay sa libing ng pinsan kong si ”boga” sabi ng pinsan ko ang dami daw nakipag libing.may tanong pala ako sana may maka sagot. ano pala tawag dun sa mga drums na nakita ko?ang lalaki nun ah!wala na ba yung black hawk ati-atihan ng bario banana?dun ako nahilig mag drums eh. :P osige mabuhay ang pandacan 1011 at ang kinalakihan kong obesis!!!… :D
ang tawag dun ay “DRUUUMMMS” :mrgreen:
di ko sure kung buhay pa nga ang black hawk, ipagtatanong ko kaibigan.