Andres was in Labores the other day and took a few pictures. The street looked very clean in my opinion. I encourage you to click on them to view larger size and to see more details. Have fun!
Street Sign: Carlos Street and Quirino Avenue.
Do you have any Pandacan photos that you would like to send us? Feel free to do so! Email them to us at pandacan1011@gmail.com and add a few description of what they are about. Also, tell us how you would like to be credited.
More pics if you read the rest …
Carlos Street. Entrance to Labores via Quirino Avenue. Carlos Street is a popular spot where commuters get off from jeepneys and buses (from Makati).
Labores Street facing South. The yellow/pink building in the background is the Residencias de Manila along Jesus Street in Bayan. By the way, the dark-colored car on the left is owned by one of our members here. :P
This time, facing North. If you head this direction, you’ll reach Kahilom, Lexsa, and San Jose. See the tall building on the left? A 1011 member lives there. ;)
That’s all for today. I think Andres is not done yet with this so expect this entry to be bumped sooner or later. Hope you enjoyed the photos!
This post was submitted by Andres.
Related posts:
- La Consolacion Bakery – Quirino Avenue #gallery-1 { margin: auto; } #gallery-1 .gallery-item { float:...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.





ang may-ari ng isang sasakyan eh taga 1011?
hmmmm, sino kaya ‘yun??
pero, mas maganda cariton ko jan!
3.0 bulb! opo… as in bulb, puro bumbilya para kita ako sa gabi :mrgreen:
wow sino kaya yung may-ari na yun, baka yung kumuha ng pics? :D
sa lahat po na taga pandacan na matagal nang nasa abroad. kung mapadaan po kayo sa site na ito at meron kayong gustong lugar sa pandacan na gusto nyong makita ang itsura sa ngayon. pwede po kayong mag-request. :)
Bossing, pwede makita ang Sto. Nino Street dun sa dulo ng Beata tsaka Lorenzo dela Paz. taga run po kami and 10 years na hindi umuuwi. Thanks a lot po and god bless
Willy, sige pag may time yung mga photographer dito, ipo-post namin yang request mo. ;) By the way, nasaan ka na ngayon?
Bossing Kiko nasa Oslo, Norway po ako. Taga Sto Nino street kami. Pag uwi ko sa Desember gusto ko sanang kamayan ang buong Admin ng Pandacan 1011 kasi okey itong ginawang nyong site para sa mga taga Pandacan. More power to you.
Willy, wag mo na ko tawaging Bossing, kaw naman. :P Nasa Oslo ka pala ngayon, kilala mo ba si Lissah? Nandyan din sya sa Oslo, Norway. ;) Buddy-buddy ni Lissah si Naths, yung kagawad na taga-Sampaguita.
magandang gaponbi,
matagal kaming natira sa pandacan, nag-umpisa sa Sta.maria st., Sulucan tapos sa Isidro Certeza then in an apartment somewhere in Balagtas ( I think its Laura st.)Nag-aral ako sa Zamora, high school sa Manila High (ito pa iyong nasa harap ng city hall nuong araw ) Section 18 ng 2nd year mga kabayan, kasi ang first subject ko nuon ay sa sinehan ng Bellevue sa Paco.Paminsan minsan ay may math. kami sa Rio theater sa Paco rin.Nuong araw na nasa elementary pa lang ako ay may sinehan sa pandacan ang ngalan ay Diana theater.Isang araw napanuod ko riyan kung paanong sunugin ng mga hapon ang Maynila ay gyundin ang ginawang pagsunog ng mga taga pandacan sa sinihang iyan pagkat ginagawang bulakbulan ng matatalinong estudyanteng tulad ko, pugad din ito ng mga bakla at mandurukot at kung ano ano pang maligno. May katabi rin itong paarkilahan ng komiks, madalas din ako riyan, iyong may mga komiks na superman at iba pang super heroes,lalo na iyong lumang-
luma na nadekwat nuong araw sa mga paarkilahan eh itabi ninyo dahil mahal na iyan.Nuong araw ang magugulong lugar diyan ay ang Kahilom malapit sa riles.Nuon pang araw ay ipino propose na ang riles ay ilipat sa Luneta para ang luneta ang gumulo sayang hindi natuloy.Ano ba ang nakita ng ilang mga taga Pandacan sa riles at gumugulo sila pag nalalapit dito, siguro kalawang, they dont like rust.Anyway…Pandacenos e Pandacenas magsitangkad sana lahat ng inyong mga anak para mapalitan na ang pangalan ng lugar na
iyan , gawing Tangcadan.Iyong mga taga St joseph school,kilala ba ninyo si Evelyn Halal?
Aba, may sinehan pala noon! Halatang di ako gala nung bata ako ah. :P Si Batang Kalye malamang alam yan.
@Cesar, may multiply account ang SJS, post ko rito pag naalala ko yung site name. ;) Baka kilala nila ang sinasabi mong si Evelyn Halal. ;)
may sinihan nga un dun dati sa Labores.
‘yung ikatlong pic dito, ‘yun pong may mataas na building na may rooftop na may green na plastic na bubong ang dating lugar ng sinihan ng Labores o ang unang sinehan na naitayo sa Pandacan yata.
try ko ipa-scan ung mga pictures ng old Labores, andun rin yata pati ung Labores Primer School na hanggang grade four lang.
magandang gaponbi
Mang Kiko salamat po,sana’y maalaala ninyo iyong “site name” na sinasabi ninyo.Ito pong si Evelyn ay nakatira nuon sa Certeza at sila yata ang may-ari ng pagawaan ng butones na nasa likod lang ng kanilang bahay.Mga lahing siguro’y arabo o kastila.Nuong araw iyang kanto ng Certeza at Lorenzo ay ang “terminating point ” ng mga bus na biyaheng Quiapo at jeep na biyaheng Paco. Sa kantong ito ay may nakatayong tila bakanteng gusali na pag-aari daw ng
bangko.Ang daming palaka diyan nuong araw,sa gabi lalo na pag -umulan sarap makinig sa kanilang “concert”.Nuong grade 4 na ako ang pamasahe namin nuong panahon na iyon ay singko lamang mula Lorenzo hanggang Zamora, libre pag kandong, hanggang ngayon ba ganyan pa rin, libre pag kandong ?Buhay pa ba hangang ngayon iyong bus na Capistrano. Ito pa mga kabayan,nuon ang isa sa hilig ng mga tambay na kabataan sa Sulucan at Lorenzo ay baras. Dumadayo kami nuon hanggang diyan sa may Zamora ng paligsahan pero taga riyan ang pinakamagaling,nalimutan ko na ang ngalan nito pero nililiko ng kanyang puwet ang tubo ng baras.Pag liko na ang tubo,…uwi na kami. mga talunan. Iyong simbahan ng Aglipay buhay pa ba, saka iyong nagtitinda ng puto bumbongna may kasamang libreng tsaa tuwing may simbang gabi eh hindi pa ba lugi? Batang kalye tama ka, diyan ako nag-aral ng grade four sa Labores Primary, titser ko nuon si Mrs. Galvez, baka kilala ninyo.
marami nga pong magagaling na mambabaras sa Zamora at meron rin po sa Obesis.
Ang mga katagang Agila, Lawin, Moler, Paalam at Kamatayan ang mga tawag sa mga eksibisyon sa baras.
Buhay pa po mang Cesar ang Aglipay Church at ang Capistrano ay sa beata pa rin pero Pandacan Bus Line na yata ang ngalan at libre pa rin po ang pamasahe kapag kandong.
magkasama po ang chaa at puto bungbung nuon. itinitimpla sa malaking timba ang chaa.
matanong ko lang po mang Cesar, miyembro po ba kayo ng Socialite?
Batang kalye maraming salamat sa “update”.Hindi ako member ng Socialite, isa lang akung busabos na istambay nuong araw diyan sa paligid ng Sulucan,Beata at Lorenzo,pero lagi ring nagsisimba nuong araw pag LInggo,isa rin sa mga ”sixty minute catholic”. Ito;y “nuong araw” ngayon serious na, sabi nga ng mga hindi natin kanampalataya” GOD is the greatest “.Pare ko, ano ba iyong Socialite,Ito ba ay iyong mga taga Pandacan na maraming pera?, pard’s wala ako niyan, mahilig lang ako sa libre.
Tanong mga kabayan bago mag-sign off, uso pa ba iyong sayawan sa basketball court saka iyong ginagawa nuong araw na “bakuran” sa sayawan,isa sa mga dahilan kaya ako namundok(laging natatapat sa pangit)
Hanggang ngayon po terminal point pa rin ang kanto ng Certeza at Lorenzo. :)
wala pong anuman mang cesar.
ung Socialite po ay isang samahan dati o club. di po ako siguro kung mga mayayaman o mapera po ang mya miyembro niyan, ang alam ko lang po ay mga Aglipayano po ang mga Socialite.
ano po bang mga sayawan sa court ang ibig niyo pong sabihin mang Cesar? yun ba ang may tiket na kailangan para maisayaw ung babae?
pero kanina, napadaan po ako sa Bagong Baranggay. may sayawan po duon sa basketball court nila. ang tema ng kanilang programa ay Filipiniana. isinasayaw ng ibat ibang grupo o lipon ang mga katutubong sayaw at kumpleto pa sila sa postura. sayang nga lang at di ko dala ang aking kamera, di ko tuloy nakunan ng larawan para maiambag sa pandacan1011.
isa pa pong katanungan mang Cesar… saan po banda kayo sa Sulukan? may mga kakilala po akong mga dela cruz na nakatira duon.
Batang kalye, salamat ulit sa “update”.Iyong sayawang sinasabi ko ay Iyong mga sponsored ng mga iba’t ibang mga organisasyon. Ang tiket ay para lang sa entrance at kung minsan may kasama pang refreshment. Hindi mo na kailangan ang tiket para may maisayaw kang partner, kaya nga iyong magaganda ay marami kaagad nakabakod. Nuong araw na natira kami sa pandacan ay sa Sta. Maria st. kami bumagsak. Matagal na kaming wala riyan at kung may kababata akung ganyan ang apelyedo eh baka sa mukha kilala ko pa. Ito ang isa pa mga kabayan Nuong araw sa Pasig river, may araw na tinatawag na “nagkakagulo”. Ito ay iyong pumapaibabaw ang mga isdang biya kaya iyong may mga bangca, may mga panalap at kung ano-ano pang panghuli ng isda ay nag pipiyesta. May panahon din na maraming talangka sa ilog.
Amor salamat din sa “update”. Kawawa naman iyong mga taga Sulucan lalo na iyon matatandang namamalingke at may rayuma pa iyong iba kung ang terminating point ng mga sasakyan ay hanggang duon pa rin sa kanto ng Lorenzo at Certeza,malayo layong lakad din iyon. Long live to all peace loving and law abiding people of Pandacan may your tribe increase and prosper.
I lived in this area of Pandacan. Ginawa n po tong Librada Avelino St., but still kilala pa rin itong Labores Ext. Memorable ang lugar nmin sa riot ng mga taga Paras vs batang Labores na mga pasaway. Or sometimes mga tga Carlos vs Labores pasaways….pg my riot na lagi kming alerto sa pgsasara ng rehas nmin. Mhirap na bka mabasag estante nmin…hehehe…
That’s our street (1st and 2nd pix)…
26 years na akong pasikot-sikot sa Pandacan… :)
This is a cool site..
I would love to contribute some fun articles about Pandacan… :)
Hello Amor (Dalawa na ang Amor dito ngayon :P ),
Taga-Carlos ka pala. Thanks sa kind words. Kung may gusto kang ipublish, just let us know. ;) Eto email: pandacan1011@gmail.com or info@pandacan1011.com.
hi amor (the 2nd) hehe. tnx po and hope to hear more from you.
ako taga-kahilom dos sa riles! haha.
isa po ako sa graduate ng batch 84 ( section 11 )at doon pa rin po kami nakatira sa labores tapat ng dating eskwelahan ng labores. i’m now base in UK with my own family. ermats ko na lang at utol ang nandoon pero pag umuuwi ako pag bakasyon ay doon pa rin ako tumutuloy. (3rd pics. )
It will be great if the site will offer a map of Pandacan. I used to know Pandacan like the back of my hand. Pero ngayon, I only remember a few street names but hardly remember the exact locations. Alam ko yung street namin na KAHILOM II thats close to the railroad tracks and next to Kahilom I. And of course, who would miss LABORES St., Labores School and the song that goes with it.
“Labores bulok, konting ulan lubog!”….. no offense meant, just tripping back the memory lane and whatever is left of it.
By the way, with or without a map, this is certainly a great site.
Thanks, JZES ‘85. Yup, alam ko yang kanta na yan. :P
Magandang idea rin yang map of Pandacan, pag-aaralan pa namin kung pano i-incorporate dito sa blog.
Correct ko lang po ung kanta…kasi dun po ako nagaral nung elementary ako… Labores bulok, isang patak lubog…nakakatuwa rin ang labanan ng Labores Elem. at ng Zamora Elem. nung araw…
hello po sa lahat. ngayon ko lang nakita this site through a search of “st. joseph’s school” sa google. congratulations sa webmaster and everybody responsible sa site. Napaganda and informative, brings back many fond memories. Lumaki ako dyan sa Labores Ext lampas ng Private (tawag namin sa Carlos St) kung galing ka ng bayan. Malapit sa Bregaudit Pharmacy. Ng umalis ako ng 1972, sa Florante (Balagtas) na ako na ako nakatira, Taga roon ang napangasawa ko. D2 na po ako sa Ohio USA. Cesar un hinahanap mong Evelyn Halal classmate ko sa St. Joseph School. German sila magpipinsan sila ng mga Lanuza at Gaizer. Classmate ko din si Emma Gaizer. Si Susan Lanuza na feature sa Manila Times sunday magazine as one of the most beautiful eurasian. Anyway natatandaan ko lahat un post ni Cesar. Dati rin ako nanunuod sa Diana, umaarkila ng comics dun sa tabi. May bananacue stand din dun. Mayroon din basketball rental dun sa katapat ng diana or thereabouts. I also remember un mga sayawan sa Zamora Quadrangle. Natira din ako sa Isla sa likod ng simbahan. Madalas din nagala dun sa Beata sa may fabrica ng butones. Sa posts ni Cesar parang contemporary ko sya. Nagtrabaho din ako sa Catholic Charities (caritas na ngayon) ng nasa Otis pa sila, tapat ng Manila Gas.
May basketball court nun sa dulo ng Labores Ext. sa may riles. Anyway, madami pang fond memories ang dumating ng makita ko at least this thread. Congratulations po uli sa mga nagpapatakbo ng site na ito.
Hello,
Laki po ako Pandacan,dyan po ako ipinganak ng nanay ko sa Florante…,doon kami nangupahan kay Aling Iliang na bahay….ung lumang bahay nuon….na ngayon apartment na……Katapat namin ung Inacay Family…..Pati ung Bautista Family…ung Anak nila na c Susan Baustista ay single (dalaga) parin ngayon…. Yes….maganda ung pandacan lalo na ung 60’s,70’s,80’s…..
Mag post ako ng old picture…ng pandacan my childhood… Dito na ako ngayon nakatira sa Bacor,Cavite….
Thanks…:heart:
welcome po silos sa munting site ntin…
we hope to hear more from you and your stories…
kindly tell this site to your friends who lived or living here in pandacan…
thanks and have a nice day!
by the way… do you have any old photos to share also regarding pandacan?
I saw some good number of pictures from a file online by an American guest who fell in love with the Philippines. They were old photos circa late 60s or early 70s. I will try to upload it in my computer and repost them up here. Most of the shots were taken somewhere near Bayan area. But it cetainly are buncha old Pandacan photos. You can tell by the style of the clothes they wear. AMAZING. I’m sure everybody here would enjoy it the way I did when I first saw it. And once again, whoever is responsible for putting up this wonderful site… MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT! Pandacan1011… salud!
Sir Kiko,
Maraming salamat po at nag karoon ng ganitong website ang dati naming lugar isa kami sa mga pamilyang nalipat nun simulan ang fly over sa labores ext. exact pa ng location ng post un bahay namin naalala ko tuloy ang mga habulan namin sa lexsa court tsanching at un trolley sa riles ng tren na kaka mis talaga ang childhood memories, d2 na ako ngaun sa riyadh hope to see more pics. ang articles.
@Willy de Guia d2 rin po pla kau sa Oslo,norway.ngaun q lng ulit nbasa mga posts d2 eh.
Hei Lissah,
Small world talaga. Saan ka sa Oslo.? Dito ako nakatira sa Grefsen malapit sa Storo.
hej Willy…actually outside Oslo n aq..Nesøya. 12mins away sa Sandvika St.
Sa beata pla kau nkatira sa Pandacan. Aq sa Labores Ext. cor Carlos. Uwi din aq sa this December…
Hei Lissah
kol me sa 99391514 para kwentuhan bout pandacan
willy
Wala po ba kayong vintage pics ng pandacan? Taga obesis ako.
Hello,
tiga obesis st ka?, may kilala kba duon na Shirley reyes?,
Nanduon pba ung Buwaya?
Thanks
kapitbahay ko tong lugar na to… kailangan ko na talagang makauwi ulit namimiss ko na ang Victorino St, dun ako sa looban ng victorino….
kakamiss… pag uwi ko picture picture at lagay ko dito…. hay kalungkot…
ako’ isang batang labores… nagaral ako sa HOLY INFANT JESUS ky ms. dizon from nursery, kinder, halos lahat ng clan nmen from labores dyan ngsimulang matutong magbasa, magsulat…. miss ko na ang pandacan, next year hindi ko palalagpasin ang fiesta….
mhel anunciacion? Mel kaw ba yan?
sayang 1oo years na ang pandacan d ko n nman makikita ang ipinagmamalaki nting BULING BULING…… miss na miss ko n pandacan lalo na ang LABORES
I grew up in Pandacan and left when I was 22 year old. I have been living in the US for over thirty years now and has been to a lot of places in the world. I was stationed in different parts of the world with the US Army. It was such an exciting time for me. Although I have been so far away, there is still that fire inside of me that burns and tells me I am a “Batang Pandacan”. I remember going to school at the old Tioque branch at Labores, where there used to be an old theater called “Diana”. Such memorable times when me and my friends would caltch an afternoon movie for 25 centavos and see a double feature of Efren Reyes battling te evil Johnny Monteiro in a duel. Then we would buy some “manggang hilaw” after the show, or rent a bicycle at that place across the “cinehan” and rie around Balagtas and Beata for an hour. I remember that everytime it rains , it would flood all over(still does) My barkada would all go out and make lusong and make a good time out of a bad situation. There was so much to do in Pandacan. I think that Christmas was the best time I can remember. THe “simbang gabi” was so beautiful and the weather was not as warm(medyo malamig pa ang panahon noon – about 1959 to 1963) wala pa noong EL NINO. We make a stop at the puto bumbong store along Labores and then go to Zamora Elementary and hang out until the sun comes up. OOH!! What good times we had when we were young . I may have been gonew for so long a time now, but deep within my heart I am still a Pandacan boy. My hear belongs here and I can not wait to come hometo my friends and loved ones.
Thank you so much for the opportunity to post this.
Roland Stohner
Hello po,
nag Grade 1 ako sa Labores Primary School, Batch 82 and until Grade 3 lang ako dyan…then after nag J.Zamora Elementary na po ako Batch 85, on year ‘88 nag graduate kami.
Naaalala ko pa, may kinatatakutan kami dyan sa Labores, pag napunta sa CR,,, merong isang pinto dun,, he he he meron daw kuba nakatira dun…
Tatandaan ko , Grade 1 ako, Si Mrs. Olaivar ang terror nun…