Matagal-tagal na rin akong di napupunta sa aklatan na ito. Unang punta ko pa dito ay nuong elementarya pa ako sa J. Zamora Elem., School. Ang kapitan Isidro Mendoza Public Library ay matatagpuan sa T. San Luis Street at Central Street. Tumbok po nito ang Central Street, saka malapit po ito sa Bonus House/Mansion. Ito lang yata ang namumukod tanging Public Library ng Pandacan.
Malaki na rin pala ang nagbago sa loob. Dati ang kanilang sahig yata ay red tiles o bricks pero ngayon ay magandang tiles na ang nakalagay at may mga nakasabit pang mga electric fan. Bago na rin ang mga lamesa at upuan. Medyo amoy pintura pa ang kanilang silid aklatan pero bakas talaga ang malaking pagbabago nito. Malaki rin ang kanilang naigastos dito malamang.
Marami na namang mga kabataan ang matutulungan nitong aklatan o library na ito. Libre po ang paggamit ng kanilang mga libro at di kailangang magbayad. Ang kailangan lang pala ay isang I.D. na katibayan na ikaw ay isang estudiyante. Puwede mong ilabas ang mga libro kung kailangan mo itong ipa-photo (xerox) copy pero kailangang iwan ang nasabing I.D. Hindi pa pala ito opisyal na bukas sa ngayon pero pupuwede na ring magamit o mabasa ang kanilang libro ng mga bata. May mga inaayos pa silang mga lagayan ng libro at iba pa.
Kapitan Isidro Mendoza Public Library
Description: Public Library
Location: Along T. San Luis Street (and Central Street)
Librarian: Araceli P. Umali
Telephone Number: 563-2979
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.







bagong renovate ata itong library. mga 2 weeks ago lang may nagpipintura pa sa loob at may tambak pa ng buhangin sa labas. :) SIno po ba ang sponsor nintong library. Salamat sa kanila at marami ring estudyante natutulungan nito.
Hindi pa kami nakapupunta rito, nadada-anan lang. Thanks for the info. Mapuntahan nga.
meron kaya silang archives ng funny komiks diyan?
Meron akong koleksyon ng Pilipino Funny Komiks from issue #1 (1978) until # 10. Still kept and preserved in good condition.