Archives

Should Sex Education Be Taught at School?

Poll Started: June 14, 2010 @ 8:30 am

View Results

Loading ... Loading ...

1011 Gallery

cimg2043.jpg cimg1889.jpg dsc02336 dsc08475

Overpass along J.Zamora and Quirino

Overpass at Quirino Avenue and East Zamora St.

Facing south - Overpass at Quirino Avenue and East Zamora St. at night.

I think this will be the last post for November. Below, you will read a rant/concern (with a few minor edits) submitted by a concerned Pandacan resident Cooluntoy – a 1011 member – about this overpass in front of Jacinto Zamora Elementary School (left of pic, not seen) and YGEIA Medical Center (right, not seen as well). Read on and tell us what you think. ;)

——————————

Former Congresswoman Sandy Ocampo built this OverPass almost 10 years(?) ago. This is a very useful thing to do… But not with the normal people who wish to cross the Quirino Highway, but for the so called Rugby Boys and the “GANGSTA WANNABE”. Dito po nagaganap ang mga sessions ng mga kabataan kapag wala na silang mapwestuhan. Last month, I’m not so sure when did this incident happen,  one girl was nearly raped in this area. Minsan kapag tumatambay po kami ng asawa ko sa roof top, marami kaming nakikitang tumatambay doon. At alam nyo na kung ano ang ginagawa, RUGBY!!!

Authorities claim that the area is well protected, siguro kapag sinisipag silang bantayan yung area. Kapag uwian naman ng Zamora Elem. School, hindi na nila ginagamit ang naturang overpass sa pagtawid sa kabilang kalye, instead they chose to wait for the red light to be on para makatawid. Sana hindi na lang nila nilagyan ng Overpass doon sa tabi ng Stop Light… USELESS…

——————————

If you have a rant/concern/report or anything about Pandacan, feel free to share it with us! Write us at pandacan1011@gmail.com or submit your entry here. Enjoy the rest of your weekend!

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

17 comments to Overpass along J.Zamora and Quirino

  • marami ring nagawa si Congresswoman Sandy Ocampo sa Distrito natin o sa Pandacan. May mga scholars rin siya sa mga eskuwelahan at sports gaya ng Tae Kwon Do.

  • useless talaga! wala naman binago sa sistema, nilagyan lang ng overpass, na sa tingin pa lang sa design at finish e, di naman standard. sobrang kitid ng steps, anlapad ng poste, wala namang mga ilaw! mukha talagang di pinagisipan, pinagkakitaan malamang. ayun mahirap sa gobyerno, walang isang plano para sa lungsod, kung sinu sino may proyekto ng kung anu ano, di iniisip ang kapakanan ng lahat. di naman kase trabaho ng congressman o woman magpagawa ng mga ganyan e, tsk tsk. gawain nila ang lumikha ng mga batas at sistema para umayos ang pilipinas. kung maggiging tapat lang sana sila sa trabaho nila, di nila kailangan yang pork barrel, special projects, at kung anu anong mga foundation para sa kung anu anong proyekto. may mga sangay ng gobyerno na gagawa nun.

    sa isang banda wala na ang mga ocampo, sa kabilang banda, ang kasalukuyang para sa distrito, si abante eh, aminadong tumanggap ng pera mula sa malaknyang nung nakraang panahon at alam na malapit sa partido ng pangulo na alam naman ng lahat na sing nipis ng balat ng sibuyas ang integridad. gud luck talaga sa mga binabayaran nating tax.

    ano kaya, kung nakatanggap ng fertilizer ang distrito nung 2004???

  • @andres, mas ok sana kung di scholarship binibigay ng mga tao sa gobyerno, dapat libreng edukasyon para sa lahat. ang mga scholarship para sa matatalino, mga gifted sa sports at iba pang talento maraming gumagawa sa private sector, pero pano naman ung mga ordinaryong kabataan na di hamak mas marami at mas nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno?

  • Andres Andres

    ako ba kausap mo diyan miyong?
    baka si batang kalye :roll:

  • I also find it useless, kasi mas marami akong nakikitang tumatawid sa kalye kesa dyan sa overpass na yan. Once pa lang kami nakadaan dyan, noong bumili kami ng cassava cake.

    Ano ba’ng ibig sabihin ng well-protected? Ah baka well-protected ng mga rugby boys. :mrgreen:

  • Personally, maganda sana ang intensyon ng overpass na iyan — para maiwasan ang aksidente. Noong Agosto po lamang ay dalawa ata ang nabundol sa tawiran dahil sa hindi paggamit ng overpass, na ikinamatay pa ng biktima.

    Sang-ayon rin ako sa opinyon ni Miyong, mukha talagang hindi rin pinag-isipan ang project na ito dahil sa “over” sa quality at maling disenyo na minention na niya. (Yung ibang political topic, sa ibang thread ako magkokomento. :P )

    Naging useless ang proyektong ito dahil walang “reinforcement” na nangyari. Kung meron sanang mga consistent na awtoridad na sisita sa mga jaywalkers, patok ang overpass. Yun nga lang, talamak ang ganitong problema sa lahat ng sulok ng Pinas.

    Kailangan natin ng matibay na awtoridad, at the same time, kailangan din nating sumunod sa batas.

    Ang tanong, mangyayari kaya? :? :?: :?

  • Ako sumusunod sa batas kaya umakyat talaga kami dyan para tumawid sa kabilang side. :) At saka takot akong ma-hit and run no! :D

    Korek ka dyan Kiko, kung may awtoridad na magbabantay at sisita sa mga jaywalkers, eh di lahat gagamit na ng overpass. Kaso wala naman yatang awtoridad na nagbabantay dyan, meron ba?

  • ang alam ko po ay nagagamit naman siya kapag uwian ng mga mag-aaral ng JZES. pero iilan lang rin ang gumagamit nito.

    nuong may mga aso pa ako ay madalas ako diyang dumaan dahil diyan ko rin binibitaw ang aso ko, ‘yun nga lang, talagang wala ng makakadaan dahil malalaki ang mga aso ko eh. mga pitbull lang naman alaga k nuon at siyam pa sila na nakahilera sa itaas.

  •  Mga amigo at amiga, hindi tyo dapat bantayan,kailangan n gamitin ang overpass n yan for the sake of safety kya pinatayo yan,disiplina ang kailangan. 
     

  • Batang Kalye

    sangayon po ako kay fred… disiplina lang talaga ang kailangan… pero sa totoo lang, minsan eh mapanghi sa itaas na yan at pati na rin sa kabilang overpass sa may plaza azul.

  • @Fred and @BK,
    Mahirap masabi yang disiplina. Sa ating mga Pinoy, kailangan mino-monitor. Tingin nyo ba yung bus lane sa EDSA maipapatupad kung walang nagbabantay? Parang duda ako ron.

  • parehas may punto si fred at si kiko.

    kung disiplina ang paguusapan eh di na talaga kailangan pang bantayan pero dahil pinoy eh may katamaran pero lahat ba tayo ay ganito?

    ginagamit ko yanmg flyover na yan kapag kasama ko anak ko pero kapag ako na lang ay hindi na ako dumaraan diyan. meron rin namang tamang tawiran diyan sa Pres. Quirino Ave., eh. yaong nasa Obesis Street ay isa sa mga orihinal na daanan ng mga pedestrian.

    basta ang mahalaga lamang gawin nating lahat ay tumingin sa kaliwa at kanan bago sana tayo tumawid at huwag masyado agresibo sa pagtawid.

    hinay hinay at ingat lang sa lahat!

  • sa opinyon ko, ung usapin sa overpass, mali talaga ung pwesto at walang sistema na kaakibat sa pagtayo nito. maliit na mga obserbasyon lang – nasa intersection ang pagtayo ng overpass, di naman pinagbawal ang pagsakay at pagbaba sa intersection. ayun, mga jeep ang nagsasakay at baba ng tao sa intersection pa rin, na nagdadala ng trapik.  wala rin kaakibat na pag saayos ng daanan ng pedestrian, bukod sa quirino avenue, walang malawak at ligtas na daanan ang mga naglalakad sa pandacan. naka parada pa rin ang mga sasakyan sa kalsada at maraming marami pang ibang mga bagay na dapat isaayos sa bayan natin.
    isyu talaga ito ng paggamit ng pera ng mga pilipino sa tama at hindi sa madali lang makita.
    tungkol naman sa disiplina, sangayon ako na dapat na magkaron ang bawat pinoy nito. pero kasabay nito ang pagbabago sa mga sistema sa lipunan, na maraming bagay na nagmumula sa mga napapanahong batas at tamang pagsasatupad nito. maliit na halimbawa lang ang mga di pag sunod sa batas trapiko, sa ibang mga bansa na mas “disiplinado” sa pinas, sobrang laki ng mga pataw na parusa, kaya wala talagang dahilan para sumuway pa mga tao e. sa hongkong at singapore halimbawa, ang mga intsik, di naman pinaka magalang at pinaka disiplinadong mga tao sa mundo, pero dahil ang mga batas sa bansa nila, ay napapatupad ng maayos, ayun sumusunod sila. at syempre pati mga pinoy sa mga bansang ito. mga pinoy sa pinas ba’t hindi??? nakaklungkot man sabihin, di pa kaya ng mga pinoy maging dispilinado sa sarili, di kaya kung walang mga nakalatad na sistema.

  • tingin ko po, ito ay combination ng dalawa. self-discipline at law enforcement. may mga tao kasing hindi na kailangang bantayan pa (katulad natin :D  ) para sumunod sa batas. pero meron naman na kailangan pang bantayan at matakot para alng sumunod sa batas. tulad na lang ng obserbasyon ko dati nung pinagbawal ang paninigarilyo sa public places.
    …yung mga driver ng jeep na sinasakyan ko dati habang nasa bandang manila pa, tuloy ang paninigarilyo nila. pero pag pasok ng makati, pinapatay na nila yung sigarilyo. kasi mas mahigpit yung mga pulis sa makati. hinuhuli talaga sila…
    nakakalungkot lang dahil hindi na pinapatupad itong batas ngayon. tingnan nyo ngayon kahit saan tuloy ang paninigarilyo nila.

  • alam nyo kapag nasa ibang bansa tayo sinusunod nating yung batas nila,db kya din nating gawin s sarile nating bansa ang pag sunod.

  • cge pag hindi nyo ginamit yan ang makikinabang nyan mga drug adic s lugar n yan at pag nasanay n sila lang ang gumagamit nyan magiging hideout n nila yan,mas lalaong hindi maganda db?

  • pera nyo rin yan db nag work kyo?tax nyo yan,ako ofw tax free,pero pag nag baka
    syon ako mapasyalan nga yang overpass n yan ok b?

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Please leave these two fields as-is:
:alien: :angel: :angry: :blink: :blush: :cheerful: :cool: :cwy: :devil: :dizzy: :ermm: :face: :getlost: :biggrin: :happy: :heart: :kissing: :lol: :ninja: :pinch: :pouty: :sad: :shocked: :sick: :sideways: :silly: :sleeping: :smile: :tongue: :unsure: :w00t: :wassat: :whistle: :wink: :wub: