Archives

Should Sex Education Be Taught at School?

Poll Started: June 14, 2010 @ 8:30 am

View Results

Loading ... Loading ...

1011 Gallery

cimg2325.jpg cimg7928 dsc02189 buling_buling3.jpg

SITSIRITSIT

Nuong bata pa ko, madalas ko itong naririnig sa mga matatanda o sa kapwa ko bata, kasama pala sa isang kanta o awitin ang Pandacan/Pandakan. Skat ba o kilala ba ang aming Pandacan dati kaya siya naisama sa Sitsiritsit? Sino kaya ang may gawa nito? Isinama lang ba niya ito dahil ito’y tugma sa pagkakaayos ng titik ng liriko o sadyang inilagay para makilala ang aming munting bayan…………

Meron pa ba kayong alam na ibang awiting nababanggit ang Pandacan?

Listen to the song:

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.


SITSIRITSIT


(singer: Nora Aunor)

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandacan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila, ipagpalit ng manika.
Ale-ale,namamayong, pasukubin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon, ipagpalit ng bagoong.

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

17 comments to SITSIRITSIT

  • Robert Tomas

    Ang awit na ating kinagiliwan kasabay sa ating paglaki ay isa sa mga buhay na saksi sa pag-unlad ng bayang ito na ating minamahal.Ang awit na ito ayon sa kasaysayan ay nagmula pa noong matandang panahon ng 1700 siglo. Totoo na ang may akda ng awit na ito ay hindi kilala ngunit ayon pa din sa pasalin-saling tradisyon, ang awit na ito ay nalikha dahilan na din sa isang pangyayari na nasaksihan ng mga matatandang lehitimong pandaqueño.”Noong mga unang panahon sa matandang bisita ng Pandacan ay mayroong nagtitinda ng  puto seko (ito’y matigas na tinapay, karaniwang puti na hilig na pagkain ng mga bata noon) sa may silong ng maliit na simbahan.Nang minsan na may isang batang kulot at kayumanggi na hindi pa niya nakikita mula ng siya’y magtinda rito, ang lumapit sa tindera at nanghihingi ng puto seko. “Pautangin po ninyo ako ng puto seko” wika ng musmos.Ngunit dahilan na din siguro sa kagustohan ng tindera ng puto seko na kumita, ay itinaboy niya ang batang ito. Nagpumilit ang bata na manghingi ng puto seko ngunit siya’y hindi binigyan. sinabi ng batang ito ”sige kayo pag hindi ka nagpautang uubusin ka ng langgam…” at tuloy na nagtatakbo papunta sa kabilang silong ang bata at nawala.mangilang oras lamang ang nakalipas at natagpuan ng tintera ang kanyang tindang puto seko na punong puno ng langgam. At wala ng nagtaka mula noon na ang batang ito na nagturo ng PAGBABAHAGI ng pagkain ay walang iba kungdiang Mapaghimala at mapagmahal nating Patron, Ang Sto Niño de Pandacan.Ang awit na nagpasalin salin… nagtuturo ng kababaang-loob at pagbibigayan. Aral na pahayag ng mahal na pintakasi ng bayang ito ng Pandacan.A Culture enriched through time, that up to now being passed on and rekindled…as the song goes…Sto Niño sa PandakanPuto seko sa tindahanpag ‘di ka nagpautang uubusin ka ng langgam* Accompanying picture… A publication of the Parish Newsletter in 1955 containing the Miracles of our Beloved Sto Niño de Pandacan, which includes the song’s legend…

  • nuong bata pa ako, may kinuwento sa akin ang lola ko.

    dati nuong dalagita pa daw siya, may kumalat na balita o kuwento na meron daw mga batang naglalaro ng mga holen (jolens) sa tapat ng simbahan, nung panahon na un e di pa yata tapos ang kabuuang simbahan o ito’y inaayos pa. sa isang banda, habang naglalaro ang mga nasabing mga bata e may nakisali raw na isa pang bata na maliit at kulot at mejo may kaitiman. pinasali nila ang nasabing batang maliit, sa di inaasahahang pagkakataon, nanalo ang batang maliit at nalimas niya ang mga jolens ng kanyang mga kalaro. may umangal daw na isang bata na bihasa daw siya sa pagpukol ng mga jolens kaya siya nanalo. isusumbong daw siya sa kanyang amain pagdating nito para mabawi ang mga natalong jolens. pagdating ng kinahapunan, kasama na ng bata ang kanyang ama at hinahanap ang nasabing bata. di nila makita o sadyang di kilala sa lugar na iyon ang batang maliit. nang di kalaunan, may sumigaw na isang bata na kasamahan niyang nakapaglaro ng holen, nakita raw niya ang mga holen na natalo sa kanila. dali-daling pinuntahan ng mag-ama ang nagsisigaw na bata. nalaman na lang nila na nasa loob na pala sila ng simbahan, at duon rin itinuturo ng isang bata ang mga holen na nakabalot pa sa animoy tela. nagtataka ang amain ng batang natalo kung bakit andun ang mag holen at ng walang pasiwari’y nagsalita ang kanyang anak… “itay, itay, siya ung tumalo sa aming lahat sa larong holen, isa siyang bihasa sa pakikipaglaro….”

    ang sinasabing bata o ang kanyan itinuturo ay walang iba kundi ang patron nating Sto. Niño na siyang nakipaglaro ng mga panahon na iyon sa mga bata ng Pandakan.

  • Robert Tomas

    Ang ulat ay patuloy na lumalawig hanggang sa ang kura paroko ng bayan na ang nakapagpatotoo…Sa tuwing may mga batang natatalo sa holen… ang kura ay tuwang tuwa na lamang na pinapalitan ang mga napatalo ng mga batang ‘yon.Pag’kat nalalaman na niya kung saan makikita ang mga holen…At siyang tunay… ang mga holen ay nakakalat sa kamarin (silid/case) ng Mahal na Poong Sto. Niño.Dangat siya ay Panginoon, siya’y bata na kalaro ang kapwa bata…

  • Robert Tomas

    Andres… maaari mo bang maipadala sa aking e-mail ang magandang awit na yan?Maraming Salamat

  • naipadala ko na pala ginoong tomas sa iyong nasabing email.
    natanggap mo ba ng maayos at maluwalhati?

  • Robert Tomas

    Walang sawang pagtugon sa pangangailangan ng isang kapatid ang tawag sa kagyat na pagpapadala mo sa nasabing awitin sa aking e-mail.
    Pasasalamat ko’y abot langit na may lubos na dalangin ng Pagpapala sa Poong maykapal
    ng pagdinig sa’yong mga samo’t dalangin.

    Salamat kaakbay sa paglalakbay sa buhay

    :D

  • kung gayon ginoong tomas ay walang anuman
    sa maliit na bagay na aking naibigay
    at huwag ka sanang magsawa sa iyong pagbisita
    sa aming munting blogsite na para sa masa

  • Ang awiting ito ay isang makasaysayang kultura at tradisyon ng mga taga pandacan at malabon, ang aming patrona sa malabon ay ang Mahal na Birhen ng La Purisima Concepcion, at ang patron ng pandacan na aking napagdestinuhan ay Poong Sto. Nino, tunay ngang magkarugtong ang awitin at ang ugat ng kasaysayan ng pinagmulan ng kaluluwang pilipino. Isang Ina at Bata na larawan ng mga dukha, api at maralitang mga taga lungsod mga batang sadyang naghahanap ng pag-aaruga ng kanilang inang lungsod. Ang awit ay nag-uugat sa larawan ng Maynila  at Malabon kung saan dapat pagyamanin ang ugat ng pinagmulan na siyang aahon at aaruga sa mga nakalimutang mga batang lansangan, napariwara at naghahanap ng ina na aampon at kukupkop. Kung pagninilayan lamang ang mensahe ng awitin tiyak ang kasiyahan ng tunog ay siyang lungkot ng mga larawang ating makikita sa mga Sto. Nino ng lansangan at mga Inang naghahanap ng katarungan, pag-asa at katotohanan.

  • Robert Tomas

    Magandang Araw po sa lahat… 
    Fr. Erick, kayo po ba ay ang dating kura ng Parokya ng Banal na Sanggol ng Iglesia Filipina Independiente?

  • Fr. Erick, salamat po sa pagbahagi ng inyong mga pananaw. Salamat din po sa pagbisita dito sa 1011.

  • Kura aq ng IFI ng pandacan ng muling magkasundo at magkadaupan palad ang Iglesia Romana at Iglesia Filipina taong 1997, at dito q napatunayan ang halaga ng aral ng Nino Jesus na tumulad sa mga bata sa kapakumbabaan.. Malaking karangalan sa mga taga pandacan ang ganitong tradisyon at kultura na siyang layon ng Mabuting Balita ng Banal na Bata. Lubos ang aking kasiyahan sa patuloy na pagbubukas ng puso, isipan at kaluluwa ng mga taga-pandacan upang maging huwaran at gabay sa lahat na hindi hadlang ang relihiyon upang ang buklod ng pag-ibig at pagkakaisa ay hindi maisakatuparan. Ang diwa at kultura ng Buling-buling ay nagiging buhay lamang sabay ng pag-indayog at pag-indak ng mga kamay ay tanda ng marubdob na pananampalataya at pagsandig sa Kapangyarihan ng Batang si Jesus. “MAPALAD ANG MGA KAMAY NA GUMAGAWA KAYSA SA BIBIG NA NAGDARASAL” Ipagpatuloy ninyo ang isang makasaysayang imahen ng tunay na pagsasadiwa ng tunay na mga kristiyano, na hindi bumabatay lamang sa gawaing relihiyoso. MABUHAY PO KAYO!

  • isang magandan umaga po Fr. Yneco….

    maraming salamat po sa pag post at pag bisita sa aming munting site ng 1011.
    huwag po sana kayong manawa sa pagbisita at pagiwan ng opinyon o puna o kuwento mula sa inyo.

    God Bless Fr. Yneco

  • isa sa paborito kong post dito sa 1011 ito. dito ko lang nalaman na ang “pandacan” ay nasa isang classic na awitin.

  • ROBERT F. TOMAS

    At para din po sa kaalaman ng lahat…

    Nang nangyayari po ang mga pagpupulong ukol sa pag-kakaisa noong taong 2007, ako po ay kasalukuyang nasa Vicor Music pa, ako po ay tinawagan ni Reb. Pd. Lari B. Abaco ng Romana Katolika. 
    Ang ako po ay nagulat pagkat sa gitna ng aming pag-uusap, siya po ay napaiyak. Kanya pong sinasalay-say na ang nangyayari sa Pandacan mula noong araw na iyon magpahanggang sa ngayon ay wala na sa kamay ng mga mamayan. kungdi ang kalooban na na maawaing Sto Nino.
    Ang kanyang hangarin na maging masaya lamang ang kapistahan ng Pandacan ay naging huwaran at larawan na ng pag-ibig na buhat lamang sa Diyos.
    Para po ulit sa inyong kaalaman, lubos po ang pag-yapos niya at pag-mamahal sa lahat lalo na po sa mga kapatid sa Iglesia Filipina Independiente.  Lalong lalo na Po sa tumatayong punong ama ng Simbahan noong mga panahong iyon.

    The event of 2007 in Pandacan is beyond the imagination of the mother church. Though it is always in the agenda of the councils to put into consideration large scale ecumenism,  beliefs is always in the pathway, but what happened in Pandacan in that Jan 14 2007 fiesta is nothing but pure LOVE from God.

    Pag-ibig mula sa Diyos na hinayaan ng bawat isa sa atin na dumaloy.
    MGA TAGA-PANDACAN… IKAW AY MAGHASIK PA NG PAG-MAMAHAL! IPAGPATULOY!
    AT WALANG HANGGAN NA IINDAK ANG PAGKAKAISA!

    PANDACAN SULONG NA!!! 

  • Batang Kalye

    ang pagsasanib ng dalawang simbahan ng Sto Nino sa Pandacan ang pinakamagandang fiesta na nangyari sa akin. dito kasi natin ipinakita na nagkakaisa tayo sa hangarin ng salita ng Diyos at sa ikabubuti ng ating mga mamamayan ng Pandacan. kung ito rin sana ay nagagawa ng ibang relihiyon, politiko, negosyante at iba ay di malayong marating natin ang ikauunlad at ikagaganda ng atng batang Pilipinas. sinimulan nating mga Pandaquenong magbuklod dapat ito’y ituloy para tayo ang maging ehemplo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng Sto Nino at salita ng Diyos.

  • Rev.Fr. Eric Yneco….ikaw nga ba ang cousin kong anak ni tiyo emong? just let me know….my email add  prettysaf65@yahoo.com

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Please leave these two fields as-is:
:alien: :angel: :angry: :blink: :blush: :cheerful: :cool: :cwy: :devil: :dizzy: :ermm: :face: :getlost: :biggrin: :happy: :heart: :kissing: :lol: :ninja: :pinch: :pouty: :sad: :shocked: :sick: :sideways: :silly: :sleeping: :smile: :tongue: :unsure: :w00t: :wassat: :whistle: :wink: :wub: