| User | Post |
|
10:58 pm May 31, 2010
| Kiko
| | admin | |
| Admin
| posts 155 | |
|
|
May nasagap akong balita na nagkaroon ng engkwentro ang mga residente ng isang baranggay sa Beata laban sa mga tauhan ni Mayor Alfredo Lim — ang departamento ng City Engineering.
Diumano'y may "demolition order" mula sa mayor na pulbusin ang nasabing baranggay hall sa baranggay 839 dahil daw sa pagiging "hadlang" nito sa ilog sa Pasig. Hindi bumenta sa mga residente ang rason ni Lim, at anila, ginagantihan sila ni Mayor Lim dahil sa pagsuporta ng baranggay na ito kay dating mayor Lito Atienza.
Ipinagtanggol naman ni Cong. Abante ang mga residente. Hindi naman hadlang sa daan ang baranggay hall. Sa katunayan raw, ang City Engineer pa raw noon ang nagtalaga ng lugar na pinagkakatindigan ngayon ng nasabing Baranggay Hall.
Dahil nagkaisa ang mga residente sa pagbuo ng "human chain", naudlot ang nasabing demolisyon. May iba pa raw na tumambay sa loob ng hall para lamang hindi ito magiba.
Sabi sa balita sa Manila Bulletin, ipinagtapat raw ni City engineer Melvin Balagot na pupulbusin pa raw ang iba't-ibang baranggay halls sa Maynila na sa tingin nila ay sagabal sa daan.
|
|
|
2:11 am June 2, 2010
| Amor
| | |
| Member | posts 5 | |
|
|
I just read jephramos' comment. Exactly my point. Bakit pinayagan kung sagabal? Kung kelan nakatayo na, ginastusan na, saka sasabihing sagabal kaya ide-demolish. It's so obvious na politically motivated ito, ano pa bang ibang rason other than that? Pro-Lim ako, pero this is unfair. My gulay! sayang ang pera… ang daming nagugutom!
Teka, natuloy ba demolition? Ano ba naman kasi, ang lapit ko lang wala akong balita.. makapag lakad lakad nga bukas. :)
|
|
|
9:40 am June 2, 2010
| Andres
| | |
| Admin
| posts 250 | |
|
|
nuong natapos ang eleksyon eh may naririnig na akong ganyan na mga kwento kapag nakasakay ako sa jeep sa Pandacan, sabi ng mga nag-uusap eh parang gaya nga ng naiulat ni jeph na ukol sa pagdedemolish ng mga barangay halls… kaso ang narinig kong lugar eh ang badmen dyan sa bandang kaliwa ng mercury drug store sa zamora… hmmm, di kaya iisa isahin silang lahat na nakalaban o ang mga di kumampi?
anyway guys, imo (in my opinion)… kung titgnan kasi, ung ibang itinayong mga barangay hall eh talagang sinakop ang daanan ng mga tao, pero ang tanong… kung bawal ito…
- bakit inapbrubahan ito?
- bakit ngayon lang ito nasilip?
- kung gigibain ito, saan itatayo ang bago?
- at ang isa ko pang pansin sa ibang barangay hall na nakikita ko eh bakit parang bahay na siya?
kung ano man ang dahilan, sila lang ang nakaka-alam, pero ano ba ang totoo? kailangan nga ba ng ganito? o isa ito sa sinasabing pagbabago?
|
|
|
5:29 pm June 2, 2010
| Amor
| | |
| Member | posts 5 | |
|
|
I agree with you Andres. Yung iba talaga sagabal, pero bakit nga inaprubahan kung sagabal? Diba hindi naman pwedeng magpatayo ng buliding or whatever ng walang go signal or permit sa kanila? Bakit ngayon lang? Yung dito sa Beata, delikado daw dahil napakalapit sa ilog, eh yun naman pala, bakit pinayagan. My gosh di ko magets! May nabasa nga ako sa FB ang susunod daw yung nasa may Zamora, baka yung ang tinutukoy mo.
Sa yo ba yung IMO? Haha, nakakatawa, kapag may reklamo… insult your doctor, hehe!
|
|
|
7:46 pm June 2, 2010
| Andres
| | |
| Admin
| posts 250 | |
|
|
Amor said:
I agree with you Andres. Yung iba talaga sagabal, pero bakit nga inaprubahan kung sagabal? Diba hindi naman pwedeng magpatayo ng buliding or whatever ng walang go signal or permit sa kanila? Bakit ngayon lang? Yung dito sa Beata, delikado daw dahil napakalapit sa ilog, eh yun naman pala, bakit pinayagan. My gosh di ko magets! May nabasa nga ako sa FB ang susunod daw yung nasa may Zamora, baka yung ang tinutukoy mo.
Sa yo ba yung IMO? Haha, nakakatawa, kapag may reklamo… insult your doctor, hehe!
hehe, hope u like it amor, pang alis umay ko lang un lalo na kung may topak ang pagiisip ko 
|
|